49jili apps download.Royal meaning in Urdu,8K8

Nangungunang Mga Libreng Online na Video na na-tagBomberman na Laro

Maglaro ng mga larong may istilo gaya ng sa bomberman sa Y8.com. Ang Bomberman ay isa sa mga unang multiplayer na laro mula sa orihinal na Nintendo console. Mula noon, ang gameplay ng mga laro ng Bomberman ay na-clone at ni-remix upang lumikha ng parehong pakiramdam ng mga lumang laro na may kaunting pananabik.

Ayusin ayon sa:
Ano ang Bomberman?

Ang Bomberman ay isang arcade game na may local multiplayer at mga single-player game mode. Ang mga game level ay binubuo ng mga malalawak na espasyo para lakaran at may mga sulok na ligtas sa mga pagsabog. Meron din itong mga tipak na puwedeng masira at hindi. Ang bawat player ay puwedeng maglagay ng bomba. Kapag nasira ang isang tipak, maaaring makakita at makakuha ng powerup. Ang mga powerup ay puwedeng makapagbigay sa isang player ng abilidad tulad ng mas malaking pagsabog o mas mabilis na galaw. Ang mga abilidad na ito ay makakatulong sa pagtalo mo sa ibang mga kalaban.

Maikling Kasaysayan ng Bomberman

Nauna itong nilabas noong 1985 para sa NES game console. Ang Bomberman ay naunang sumikat bilang isang four-player game para sa pinakaunang Nintendo console. Ang karaniwang mga laro na nagtatampok ng local multiplayer noong panahong iyon ay para lang sa 2 players kahit na merong 4 na saksakan ang console. Ang game ay orihinal na dinevelop ng Hudson Soft na isang Japanese game developer. Ang game ay naging maimpluwensya dahil tampok nito ang masayang anime-styled graphics. Ang kasikatan nito ay nagbunga ng maraming iba't-ibang bersyon ng laro na nilikha para sa mga gaming platform tulad ng Amiga, MS-DOS, at ang Atari ST console na nilabas lahat noong 1990. Pagkatapos nito, ang Bomberman ay makikita na sa lahat ng malalaking console mula sa Sega Saturn hanggang sa Playstation, N64, Dreamcast, Game Cube, at ngayo'y sa modernong mga console.

Mga Related na Category
Mga Recommended na Bomberman game