Mga Poker Game
Ang Poker ay isang card game, na ang pangunahing layunin ay manalo ng bet sa paraan ng pagkolekta ng mga pinaka-malakas na poker hand sa bawat round at kuhanin ang lahat ng pera ng iyong kalaban. Minsan ito ay mabilis. Ang importanteng elemento nito ay ang malaman kung kailan mag-fold upang maiwasan ang pagkatalo at kung kailan tataya ng malaki. Maraming klase ang poker, pero laging merong playing cards. Ang isang kilalang bersyon ay ang 5 card draw na nakikita sa maraming mga video poker machine.
Ang poker ay nilalaro sa iba't-ibang mga deck na 32, 36 o 54 cards, pero ang deck na 52 cards ang madalas ginagamit. ANg laro ay madalas may 2 hanggang 10 na mga player. Depende sa uri ng poker, ang laro ay binubuo ng maraming mga round. ANg bawat isang round ay nagsisimula sa forced bets at pagbibigay ng karagdagang mga card. Pagkatapos, ang bawat player ay magkakaroon ng oportunidad na tumaya o tumigil sa paglalaro. Ang mananalo ay kung sino ang may pinakamagandang card hand o kung sino man ang makaka-puwersa sa ibang mga player na tumaya o mag-bluff at matirang nag-iisa hanggang sa showdown.
Meron paring pagtatalo kung saan nanggaling ang game at pati narin ang pangalan nito. Marahil, ang poker ay nanggaling sa United States o sa Europe, at nabanggit ito noong 16th century. Sa paglipas ng panahon, ang laro ay nagsimulang umani ng hindi kapani-paniwalang katanyagan at naging isa sa pinaka sikat na card game. Ngayon, marami nang uri ng poker: Draw poker, Stud, Texas hold'em, Omaha, Badugi at iba pa. Ang ilan sa kanila ay nilalaro pa sa opisyal na antas dahil maraming mga internasyonal na paligsahan sa poker ang ginaganap taun-taon sa ilang sikat casino. Ang poker ay naging sikat din sa Internet at mayroong mga espesyal na mga program ang ginawa upang ma-simulate ang taong manlalaro. Mayroon ding mga tool na ginawa upang makatulong sa desisyon ng mga player habang naglalaro.
Kung gusto mo ang mga larong ito, mangyaring tingnan din ang aming mga koleksyon ng solitaire games, and turn-based games.