Mga Pool Game
Ang Pool na minsan ay kilala sa tawag na billiards ay isang American cue sport na gumagamit ng table na may anim na pocket at numbered na bola. Ang game ay nanggaling sa English billiards na katulad rin nito at may mga colored na bola. Ang parehong bersyon ay nanggaling sa Carom billiards na isang French game na may pamilyar na table ngunit walang mga pocket. Ang green na fabric na nakikita sa mga table ngayon ay nanggaling sa 1600s at 1500s noong panahong ang billiards ay isa pang lawn game na nilalaro sa labas.
Ang pool ay maraming mga uri at ang bawat isa ay merong set of rules na kailangan mong matutunan. Sa mga unang araw kung saan ang isang bagong kultura ay nagsimulang maglaro ng ibang bersyon ng billiards, madalas ay iibahin nila ang rule o magdadagdag ng bagong bola para maiba ang kalalabasan ng bawat laro o kaya naman ay para bumilis ang laro at gawing mas interesante ang kumpetisyon. Ang ilan sa sikat na mga pool game mode ay ang sumusunod.
- 8-ball - Ang layunin ay ma-pocket lahat ng bola sa isang grupo (striped or solid) at pagkatapos ay ma-pocket ang eight-ball (black ball).
- 9-ball - Ang player ay kailangang ma-pocket ang pinakamababang numbered ball. Ang layunin ay ma-pocket ang nine-ball.
- Straight - Ang laro ay magpapatuloy hanggang sa ang isang player ay umabot sa score na napagkasunduan. One point ang score sa bawat isang na-pocket na bola.
Tulad ng ibang sport, ang pagsikat ng mga computer ay nagbigay ng daan para madevelop ang mga billiard game sa computer at ma simulate nito ang mismong laro na kailangan ng malaking table at mga cue stick. ang isa sa pinakaunang mga billiard game ay ang video pool (1985) na isang 2D simulator ng pocket billiards. Sa game na ito, ang player ay kailangang kumpletuhin ang mga level, ma-pocket ang 6 balls sa bawat level at maka score ng maraming points.
Mga Recommended na Pool Game