Mga Solitaire Game
Ang solitaire ay isang card game na madalas nilalaro ng one player. para naman sa may gusto ng social element, puwedeng subukan ang solitaire games with high scores at makipagkumpitensya para sa high score at abutin ang top position. sa mga may gusto ng board games, siguradong maaaliw ka sa ganitong uri ng laro dahil ang solitaire ay kailangang gamitan ng iba't-ibang mga kombinasyon para malutas ang card ordering puzzle.
Ang mga solitaire game ay madalas gumagamit ng pare-parehong elemento, nagsisimula ito sa isang deck ng baraha na naka-balasa at nilalagay sa isang predefined layout. Ang layunin ng larong ito ay ayusin ang mga baraha depende sa suit at rank. Puwede ring ilipat ang mga card mula sa isang grupo papunta sa isa pa depende sa limitasyon at sa kung anong uri ito ng solitaire game. Nakasalalay ang bilis ng laro sa kakahayan ng player na mahanap ang tamang order at makapagplano ng maigi, kasama na ang swerte. Ang solitaire ay puwedeng maging cathartic dahil hindi ito madaling laruin, pero kapag nasanay ka na ay kaya mo na itong tapusin nang walang kahirap-hirap. Ito ang naging daan ng mga tao para magpalipas ng oras at mag-relax simula nung nauso ang mga paper card game.
Isa pang natatanging tampok ng mga solitaire game ay ang pagbawi sa mga move kung ikaw ay na-stuck at naisip na palitan ang ayos ng iyong mga card. Para sa mas mahirap na difficulty at para sa mga sanay nang maglaro, puwedeng tanggalin ang oportunidad na ito.
Mga Related na Kategorya
Mga Recommended na Solitaire Game