Mga Wrestling Game
Ang wrestling ay isang theatrical sports show na pinagsasama ang fighting at ang pag-entertain sa audience. Maraming mga kumpanya (promotion) na bumubuo ng kanilang mga show, kung saan ang ilang mga kaganapan ay nangyayari. Habang nasa show, madalas ay merong regular na mga match at mga match para sa iba't-ibang mga champion title. Ang ilang mga kaganapan sa backstage ay isa din sa integral na parte ng mga wrestling show.
Ang wrestling ay nagmula sa North America at umani ng malawak na katanyagan sa halos buong mundo, lalo na sa Mexico at Japan. Nang naging pangkaraniwan na pampalipas oras ang panonood ng telebisyon sa buong mundo, kasabay nito ang pagsikat ng wrestling, at hinigitan pa nito ang mga naunang contact sport tulad ng boxing. Ang wrestling ay lumaki at naging isang napaka sikat na anyo ng libangan na may milyong dolyar na mga pagtatanghal at maramihang itinatag na mga mga wrestling company.
Ang wrestling ay batay sa iba't-ibang mga martial arts at ang mga promotion ay tampok parin ang mga bagong attack technique tulad ng mga body slam at mga submission lock. Kasama rin ang iba't-ibang mga acrobatic maneuver sa pabago-bagong istilo ng wrestling. Sa modernong wrestling, ang mga promotion ay lalong hinihikayat ang paggamit ng mga bagay (mesa, upuan, hagdan) na nagdadagdag ng mga interesanteng props na hindi makikita sa ibang anyo ng fighting tulad ng UFC. Ang wrestling ay walang opisyal na sinang-ayunan na panuntunan. Sa halip, merong mga tiyak na pamantayan para sa iba't-ibang mga organizer. Bagaman ang karaniwang prinsipyo ay magkakatulad para hindi malito ang mga manonood. Isa lang ang sigurado, ang wrestling ay isang mahirap na trabaho. Ang mga wrestler ay kailangang dumaan sa maraming pagsasanay para matutuhan ang mga tamang technique upang maiwasan ang mga injury.
Mga Best na Wrestling Game